Friday, August 9, 2024

Unexpexted Event

                                                                      Unexpexted Event


Noong August 6, 2024 pumunta ako sa kaibigan ko na nasa Kuki, Saitama. Noong nag-aantay kami ng train na masakyan kasama ang dalawa kong anak may nangyari na sobra akong kinabahan. Nakasakay ako ng train kasama ang isa kong anak. Ang panganay ko na anak di sya kasakay at nasaraduhan ng pinto ng train. Sobrang kaba ko kasi di ko alam kung anong gawin nya. Siya ay pitong taon gulang. Ang ginawa ko bumaba ako sa next stop at pagkababa, nagpunta agad ako sa may train staff at gusto ko kontakin nila ang station kung saan naiwan ang anak ko. Pero di nila kinontak ang station at sinabi sa akin na punta na lang ako doon. Nanggigigil talaga ako kasi di nila ako tinulungan. Wala akong magawa kasi di ko sila makausap ng ayos kasi di ako makapagsalita ng lenggwahe nila. Pagkadating ko sa station kung saan naiwan ang anak ko hinahanap ko agad pero wala siya doon sa may platform. Umakyat ako sa taas at nagtanong sa train staff. Ayon ang anak ko nasa loob ng staff room. Nabunutan ng tinik ang dibdib ko at kunting lumuwag ang pakiramdam ko. Yong anak ko di siya natakot. Ang ginawa ng anak ko umakyat sa taas at nagpunta sa mga train staff. Buti na lang yon ang ginawa. First time na mangyari sa akin yon. 

Tuesday, September 20, 2022

Paano Ako Nahired Dito Sa Japan Sa Bago Kong Trabaho Lalo Na Hindi Ako Marunong Magsalita ng Japanese?

Paano Ako Nahired Dito Sa Japan Sa Bago Kong Trabaho Lalo Na Hindi Ako Marunong Magsalita ng Japanese?


Pagpasok ng taong 2022 nagplano na ako magtrabaho kasi ang bunso kong anak ay papasok na sa nursery school. Bandang May 2022 nag-apply ako sa Yolo Japan pero di ako natanggap kasi hinahanap nila yong marunong magsalita ng Japanese. Ang Yolo Japan ang isang recruitment agency para sa mga dayuhan dito sa Japan. Meron silang website at magregister ka at maraming pagpipilian ng trabaho. Pero di ako pinalad sa Yolo Japan. Marami akong inaplayan at pinuntahan na interview para sa trabaho pero di pinalad. Parang hopeless na ako. Nag-apply din sa Baitoru pero di tanggap kasi sa pagsasalita din ng Japanese. Nakaregister na ako sa Hello Work sa website pero mahirap intindihin kasi minsan walang translation sa English. Ang Hello Work ay tumutulong din sa dayuhan na gustong pumasok ng trabaho dito sa Japan. Nagsearch ako about sa Hello Work at may nakita akong contact number at Pilipino ang makakausap. Tinawagan ko at sinabi nya na ang Hello work sa Adachi Ward ay mahirap tumanggap kung di marunong magsalita ng Japanese. Pero nirefer nya ako sa may Shinjuku kasi yon puwede makahanap sila para sa akin. Tinawagan ko ang Hello Work Shinjuku at binigyan nila ako ng job consultation. Kaya noong September 8, 2022 pumunta ako ng Hello Work office sa may Shinjuku. Ang nag-assist sa akin ay isang Japanese at American. Hinanapan nila ako ng work. May dalawang tinawagan na trabaho pero di ako tanggap. Sabi ko sa una pa lang ayaw ko sa hotel magwork kasi ang hirap. Naranasan ko na kasi dati. Nagwork ako isang buwan lang. Pero no choice ako kasi sabi ko sa hotel na lang kaysa babalik ulit at maghahantay ng matagal. Nabored kasi ako sa bahay kaya ko naisipan pumasok ng part time job.  Kaya naghanap ulit sila. May nakita sila na malapit lang sa bahay. Tinawagan nila ang kompanya at nagset ng interview kinabukasan September 9, 2022. Noong interview ko parang light lang usapan. Ang nag-interview sa akin ay isang Japanese at may taga-translate sya na isang Myanmar. Pasado naman at kaya nagstart ako ng trabaho noong September 19, 2022. Sa wakas nakahanap din ako ng trabaho. Part time job. 

Monday, June 13, 2011

Enjoy the work

     In doing the responsibility, it should be on focus and sensitivity. Whatever you doing should be thankful. I'll always learned from my responsibility that I handle. Now, I'm accounting staff but I'm doing in updating the bank balances, deposit the money in the bank, going to Bureau of Internal Revenue, processing the business permit, updating the sales of the counter, encoding the sales, ordering and purchase the stocks, finish the disbursement report and holding the petty cash. I'm really tired but I'm just enjoy my work everyday so that it's not so difficult for me. Thank you Heavenly Father for always guiding me and protecting me wherever I'm going.
     Thanks to my co-employees who beside me and help me to grow more.